F. 17. Lycean/Pirate. Sophomore. Positive thinker. Lover. Dreamer.
-FOLLOW! ;)
(via msbenzendrine)
Off to mall with bro & sis! :)
SUMMER 2012
-So, eto na. Magkkwento na ko ‘bout my summer vacation. Wala langs. Trip ko lang magshare. Bawal ba? :)) Pero dahil long story tong mga to, isusummarize ko na lang. Long story nga kasi, as in LOOOOOOOOOONNNNNNNGGGG! HAHAHA! ;)))
FIRST PICTURE: From EK down to overnight swimming @ Villa Alberto
Loc: Lawton (Lyceum) to Las Pinas to Sta. Rosa, Laguna to Las Pinas to Bacoor, Cavite to Las Pinas
We’re soooooooo FRUSTRATED with what happened. Bumiyahe kasi kami sa wala. Sarado kasi si EK. Hindi pa naman ako nakakatungtong dun. Kaya ayun, sobrang nalungkot ako. :( Pero hindi ko hinayaang masayang yung araw namin na yun. I suggested a Plan B. Which is yung swimming nga. Agree naman silang lahat, pero napag-isipan din na umuwi na lang. Pero sayang kasi talaga e. Ganun din naman ang gastos. Tsaka minsan lang din naman ako payagan na mag-overnight. At take note, before finals pa namin to. Kaya thank God lang talaga at pinayagan ako. So ayun, pinursue ko talaga sa kanila ang pagsswimming. ;) To sum it up, basta etong buong araw na to, nagfall sa puro pagbiBIYAHE. Nakakapagod man, sobrang saya pa rin. Sobrang daming nangyari. Mayroong nakakatuwa, nakakatakot (Kasi madaling araw na, naglalakad pa kami pauwi. Puro pa kami mga babae.), nakakapagod (Yung biyahe, sakit na sa pwet. Haha!), at marami pang iba. Basta, isa to sa mga unforgettable moments ko together with my girlfriends. Saya langs talaga. ;)
SECOND PICTURE: Overnight swimming @ Kalugdan Garden Resort
Loc: Lyceum to SM Manila to Bacoor, Cavite
After finals naman to, last day namin. And YES! Pinayagan ulit ako. Muntik pang bawiin yung pagpayag nila e, buti na lang nakaimpake na ako ng gamit. HAHAHA! Post birthday celebration din kasi to nung friend ko. Kaya ayun, sinet na talaga na overnight swimming to. Sagot nung friend ko yung foods at nakihati din siya sa pagbayad ng room. Nagrent na din kasi kami ng room para dun na kami matutulog at hindi na uuwi pa sa Las Pinas. Masaya din naman. Bonding talaga. Actually, inikot muna namin yung Bacoor para mamili ng resort na maganda e. Grabe langs, sakit sa paa. HAHAHA! Pero kapag malayo, nagttrike na talaga kami. Tas nung nakapili na kami, namalengke muna kami dun sa Zapote ba yun? Basta, pa-Bacoor na din. Tas balik ulit sa resort na napili namin. Oh diba? Ansisipag? Waaaaaa! HAHAHAHA. So ayun, bago magbakasyon, nakapaglalayas nanaman ako. ;)) Super saya ko talaga. Di pa ba halata? =))
THIRD PICTURE: Family outing @ La Vista Pansol Resort Complex
It’s Easter Sunday. We went to church to attend the so called “salubong” and for the Sunday mass also. After that, when we got home, nag-away na sila Mom at Dad. The reason is too personal kaya hindi ko na lang sasabihin pa. Grabeee! Away talaga kung away. Nakakarindi, pero somehow natakot din ako kasi ayoko talaga na nakakarinig ng sigawan. At nag-iimpake na din kasi nun si Mom. Wew! To sum up, nung medyo cease fire na sila, nagtitingin na kami ng resort sa net for Ate’s upcoming birthday. Tas nagulat kaming lahat, kahit may sakit si Dad, nag-aya sya bigla na magswimming. Sobrang naiinitan na daw kasi siya at para makapagrelax naman daw. Ayaw na ayaw naman ni Mom kasi nga may sakit si Dad at wala namang kotse. Pero pinilit pa rin naming magkakapatid. Minsan lang naman kasi. Tsaka masarap din naman magcommute. So ayun, natuloy kami. Kahit sobrang biglaan. Sarap lang sa feeling. Ngayon lang kasi kami nagbonding ng ganito e. At dahil biglaan lang to, namili na lang kami ng foods sa SM Calamba yata yun. Hahaha! :))) So ayun, nung nandun na kami sa resort. Magrerent kami ng room for overnight kaso wala na yung pang-5 lang. Pang-7 katao yung natira. 3, 500 lang naman siya, dude. Sobrang mahal! Pero dahil minsan lang naman yun, kinuha na namin. Katawa langs kasi pito yung kama nung kwarto namin, e lima lang naman kami. HAHAHA! Kaya sinulit namin ng bongga yung pagstay dun. Worth it naman syempre. ;) So ayun, sobrang saya ko talaga neto. Sana maulit. Hihihi! :”)
FOURTH PICTURE: Outing @ The Big Rock Farm Resort with the G family
4.14.12- Ate Karen’s birthday celebration. Sayaaa! :D
~
Ayun, isda ba me? Puro na ako swimming ngayon. Pero okay na din. Ang init kasi e. At mukang nagbabalak pa nga ulit kami magswimming para sa upcoming birthday ko naman. Goodluck! Hahaha! :)
At dito na nagtatapos ang aking nobela. HAHAHA! K. ;p
-THE END- :))))))))))))))
IWANT! :’)
(Source: thephotosfortumblr, via dolliecrave)
REALITY.
(Source: p-a-i-n-l-e-s-s-l-o-v-e, via m-ilktea)
(via lovequotesrus)
Hawak mo na. Akala mo magiging para sayo na. Biglang kailangan mong bitawan kasi hindi pala talaga para sayo..
~
Gdnght Tumblr :)
I’m planning not to celebrate my upcoming birthday. Mas masaya naman siguro yun. Wala, daily routine lang dito sa bahay. Nothing special. Magpapasalamat na lang ako kay God na binigyan nya ako ng another year dito sa mundo. Tas ayun, linis bahay, kain, tulog, nood ng tv, surf ng net. Saya! Isn’t it? :)
Nagpplan na agad ako kahit May 2 pa birthday ko. Para masabi ko na agad sa fam ko na hindi ako magcecelebrate para hindi na paghandaan/pagplanuhan pa.. ;) Gastos lang din naman kasi yun e.
Kahit siguro sa 18th ko, hindi na ako magcecelebrate ng bonnga. Dito na lang sa bahay, tapos yun na. Hindi na ako hihiling ng kung ano pa. Hindi na rin ako aasang maicecelebrate ko yun kasama ng mga friends ko. 3rd year na kasi kami that time. Halos busy na lahat. Hindi na ko makikigulo pa sa mga sched nila.
So ayun. I’m looking forward in pursuing this plan of mine. Para hassle free na lang din siguro. Right? :)